^

PSN Palaro

Superliga All-Filipino Conference: Raiders nais sumalo sa itaas

Laro Ngayon - Pilipino Star Ngayon

(Cuneta Astrodome)

3 pm RC Cola-Air Force vs PLDT Home TVolution (Women’s)

5 pm Cagayan Valley vs Generika-Army (Wo-men’s)

7 pm  PLDT Home TVolution-Air Force vs IEM (Men’s)

MANILA, Philippines - Saluhan sa lide­rato sa women’s division sa 2014 PLDT Home DSL-Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino Conference volleyball tournament ang nais gawin ng pinalakas na RC Cola-Air Force Raiders ngayon sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Sa ganap na alas-3 ng hapon sasabak sa aksyon ang Raiders laban sa ins­piradong PLDT Home TVolution Power Attackers at ikalawang sunod na panalo ang nais ng koponan ni coach Clarence Esteban para samahan ang nasa itaas ng standings na Air Asia Flying Spikers at Petron Lady Blaze Spikers.

Magtatangka ang two-conference champion Generika-Army na buma­ngon mula sa kabiguan sa kamay ng Power Attackers sa pagsagupa sa walang panalong Cagayan Valley Lady Rising Suns dakong alas-5 ng hapon habang ikalawang dikit na panalo ang pag-aagawan ng PLDT at IEM sa men’s division dakong alas-7 ng gabi.

“Kailangan pa na ma-de­velop ang team che­mistry. Pero gusto ko ang nakikita ko sa mga players sa pagsasanay nila dahil nandoon ang gutom nila. Sana magpatuloy ito sa mga laro namin,” wika ni Esteban na unang pinadapa ang Cignal HD Spikers.

Dapat na manatili ang gilas ng mga inaasahan sa pangunguna nina Joy Cases, Maika Ortiz, Judy Ann Caballejo at Iari Yongco para masabayan ang Power Attackers na may dalawang dikit na panalo matapos mabigo sa unang laro sa ligang inorganisa ng Sports Core at handog ng PLDT Home DSL na may suporta pa ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR at Bench.

Sa pagdadala nina Sue Roces, Lou Ann Latigay at Maruja Banaticla, ang bataan ni coach Roger Go­rayeb ay nanalo sa Cagayan Valley at Generica-Army.

“Depensa lang ang kailangan naming gawin. Hindi kami masyadong nakakapag-practice dahil may mga trabaho ang mga players kaya’t sa ibang bagay kami dapat bumawi,” ani Gorayeb.

Bagama’t wala pang  panalo matapos ang tatlong laro, hindi manga­ngahulugan na madaling kalaban ang Cagayan Valley dahil asahan na magpupursigi ang mga ito para makapasok sa win column at tumaas uli ang kanilang kumpiyansa. (ATan)

AIR ASIA FLYING SPIKERS

AIR FORCE

ALL-FILIPINO CONFERENCE

CAGAYAN VALLEY

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

CLARENCE ESTEBAN

COLA-AIR FORCE

CUNETA ASTRODOME

POWER ATTACKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with