2-dikit asam ng Aces kontra Express

MANILA, Philippines - Sa kanyang unang laro bilang head coach ay kaagad nakatikim ng panalo si American Alex Compton para sa Alaska.

Sinabi ni Compton, pumalit kay Luigi Trillo sa bench, na walang nabago sa kanilang sistema sa Aces, umiskor ng 103-91 panalo laban sa Talk ‘N Text Tropang Texters noong Lunes.

“We have a system in place--a system that has won so many championships. I think we just have to get better,” sabi ni Compton sa ginagamit na ‘Triangle Offense’ ng Alaska.

Asam ang kanilang ikalawang sunod na panalo, lalabanan ng Aces ang Air21 Express ngayong alas-5:45 ng hapon kasunod ang salpukan ng nagdedepensang San Mig Coffee at Globalport sa alas-8 ng gabi sa 2014 PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sinabi ni Compton na walang pagbabagong mangyayari sa Alaska sa kabila ng pag-upo niya bilang bench tactician.

“There’s less time to teach. In this conference, it’s more about conference management, scouting, things that I’m not good at, so we rely on my staff a lot,” dagdag pa ni Compton.

Inaasahan namang magpipilit ang Air21 na ma­kabawi mula sa ka­ni­lang 76-84 pagyukod sa Barangay Ginebra.

Sa ikalawang laro, tatargetin ng Mixers ang kanilang pangatlong panalo sa pagsagupa sa Batang Pier, ipaparada si dating Gin Kings’ import Dior Lowhorn bilang kapalit ni Leroy Hickerson.

Kinuha ng San Mig Coffee ang 108-90 panalo laban sa Meralco noong Martes, habang nagmula naman ang Globalport sa 97-119 kabiguan sa Rain or Shine.

Show comments