Laro Bukas
(Smart Araneta Coliseum)
5:45 p.m. Alaska vs Air21
8 p.m. Globalport vs San Mig Coffee
MANILA, Philippines - Dumiretso sa kanilang pangatlong sunod na panalo ang Beermen para solohin ang ikalawang puÂwesto sa 2014 PBA Governors’ Cup.
Itinakas ng San Miguel Beer ang 115-112 overtime win laban sa Barako Bull tampok ang dalawang mahalagang three-point shots ni import Reggie Williams kagabi sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.
Tumapos si Williams, ng 33 points, kasama rito ang 5-of-9 shooting sa 3-point line, at 13 rebounds para banderahan ang Beermen.
Nalasap naman ng Energy Cola ang kanilang ikatlong dikit na kamalasan.
Itinala ng San Miguel Beer ang 10-point lead, 53-43, sa second period bago naagaw ng Barako Bull ang unahan sa 101-100 sa huling 2:02 ng fourth quarter mula sa tres ni Ronjay Buenafe patungo sa overtime, 103-103.
Sa likod ng dalawang tres ni Williams at isa ni Sol Mercado ay ipinoste ng Beermen ang 112-105 bentahe sa 1:52 sa extra period hanggang makadikit ang Energy Cola sa 111-112 agwat buhat sa tres nina Mic Pennisi at Buenafe.
Nagkaroon pa ng tsanÂsa ang Barako Bull na maÂkahirit ng ikalawang overtime kundi lamang tuÂmalbog ang tangkang tres ni rookie guard Jeric Fortuna sa pagtunog ng final buzzer.
Samantala, kakausapin ngayon ni PBA Commissioner Chito Salud sa kanyang opisina si Marc Pingris ng nagdedepensang San Mig Coffee dahil sa kanilang kantihan ni James Sena ng Meralco sa 108-90 panalo ng Mixers sa Bolts noong Martes.
San Miguel Beer-- 115 - Williams 33, Fajardo 26, Ross 10, Santos 10, Mercado 9, Lutz 8, Tubid 7, Maierhofer 4, Chua 4, Kramer 2, Lanete 2.
Barako--112 - Wise 33, Pennisi 20, Najorda 12, Buenafe 10, Fortuna 10, Jensen 8, Marcelo 6, Lastimosa 4, Wilson 2, Isip 2, Miller 2, Intal 2.
Quarterscores: 32-26, 58-54, 80-78, 103-103, 115-112 OT.