MANILA, Philippines - Gagamitin ni Nonito Donaire Jr. ang laban nila ni WBA featherweight champion Simpiwe Vetyeka para ianunsyo ang pagbabalik ng dating matikas na Donaire.
“There is no doubt that May 31 at The Venetian Macau is going to be my finest hour,†wika ni Donaire sa panayam ni Chris Farina ng Top Rank.
Ikaapat na world title ang makakamit ni Donaire matapos pagharian ang flyweight, bantamweight at super bantamweight division.
Huling titulo na hinawakan ni Donaire ay ang WBO super bantamweight pero naisuko niya ito kay Cuban Guillermo Rigondeaux sa pamamagitan ng unanimous decision pagkatalo noong Abril 13, 2013.
Bumangon si Donaire sa kabiguan sa pamamagitan ng ninth round knockout panalo sa ikalawang pagtutuos nila ni Vic Darchinyan pero hindi kontento ang tubong General Santos na lumaki sa US sa ipinakita.
“Even when I knocked out Vic Darchinyan in our rematch last year, that wasn’t the best me,†ani Donaire.
Kaya’t nagdesisyon siya na sa Pilipinas gawin ang paghahanda para maipokus ang sarili sa laban.
Kailangang masinsinan ang paghahanda dahil alam niyang hindi birong kalaban si Vetyeka na pinatulog sina Daud Yordan at Chris John ng Indonesia noong nakaraang taon para kunin ang IBO at WBA belts.
“I had to work on a lot of things in camp because Vetyeka is so multidimensional inside the ring. But I am confident I have the game play and the talent to beat him,†dagdag pa ni Donaire.
Ang dalawang boksingero ay maghaharap ngayon sa press conference habang bukas itinakda ang weigh-in. (ATan)