MANILA, Philippines - Hindi nagpadaig ang puso ng mga Azkals sa maÂinit na suporta ng manonood sa Maldives nang kunin ang 3-2 panalo sa extra time sa AFC Challenge Cup semifinals noong Miyerkules ng madaling araw sa National Football Stadium, Maldives.
Nasa tamang puwesto si Chris Greatwich nang makuha ang bola malapit sa goal para sa winning shot sa 104 minuto ng laro.
Lamang sa kabuuan ng labanan ang Pilipinas at unang umiskor si Phil YoungÂhusband matapos lamang ang 19th minuto ng laro.
Naitabla ni Mohammad Umair ang iskor sa 36th miÂnuto pero dalawang minuto matapos nito ay naÂkakawala ng goal si Jerry Lucena para bigyan ang dayong koponan ng 2-1 kalamangan sa first half.
Naging agresibo ang Maldives na kilala sa taguÂring Red Snappers at sa 66th minuto ay nagawang itabla ang laro sa goal ni Assadhula Abdulla.
Nanatiling tabla ang laro hanggang sa regulation para mangailangan ng extra time at si Greatwich ay nagawang sipain ang bola na tumalbog matapos ang sablay na attempt ni Patrick Reichelt para sa tagumpay.
“When you play and believe in it, you will be successful,†ani German/American coach Thomas Dooley.
Nahigitan ng koponan ang dating pinakamataas na pagtatapos sa kompetisyon na ikatlong puwesto noong 2012 sa pagmamando ni German mentor Hans Michael Weiss.
Sa Mayo 30 sa ganap na alas-9 ng gabi Maldives time gagawin ang one-game finals sa pagitan ng Pilipinas at Palestine na tinalo ang Afghanistan, 2-0, sa isa pang semis.
Maganda ang tsansa ng Azkals na makuha ang kauna-unahang titulo sa Challenge Cup sa ikatlong pagkakataon na nakasali sa kompetisyon dahil tinalo nila ang Palestine sa battle-for-third place noong 2012 sa 4-3 iskor.
Ang hihiranging kampeon sa kompetisyon ang siyang aabante sa Asian Cup sa 2015.