Laro Ngayon
(Binan, Laguna)
5:45 p.m. San Miguel Beer vs Barako Bull
8 p.m. Rain or Shine vs Talk ‘N Text
MANILA, Philippines - Ibinalik ng Bolts ang dati nilang import na si Mario West bilang kapalit ni Terrence Wiiliams sa haÂngaring pigilin ang kanilang pagbulusok.
Ngunit maski ito ay hindi nakatulong sa kanila.
Ipinatikim ng nagdedepensang San Mig Coffee ang pang-apat na sunod na kabiguan ng Meralco matapos angkinin ang 108-90 panalo sa 2014 PBA Governors’ Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Tumapos si PJ Simon na may 22 points mula sa kanyang 10-of-13 fieldgoals shooting para sa 2-1 baraha ng Mixers katabla ang Alaska Aces at San Miguel Beermen sa ilalim ng Ginebra Gin Kings (2-0) at Air21 Express (2-0) na kasalukuyan pang naglalaro habang isinusulat ito.
Nanatili naman sa ilalim ang Bolts sa kanilang 0-4 kartada.
Isinara ng San Mig Coffee ang first half bitbit ang 52-46 abante bago kumamada sina import Marqus Blakely, Rafi Revies at James Yap para iwanan ang Meralco, 60-48, sa 6:51 ng third period.
Bago ito ay natawagan si San Mig Coffee forÂward Marc Pingris ng Flagrant Foul Penalty 2 na nagresulta sa kanyang pagkakatalsik sa laro matapos suntukin sa likod si James Sena ng Meralco na naunang bumangga sa kanyang bodega sa 3:15 ng second period.
San Mig Coffee 108 - Simon 22, Blakely 16, Barroca 15, Yap 13, Pingris 10, Maliksi 9, Sangalang 8, Reavis 6, Gaco 4, Mallari 3, Devance 2, Holstein 0, Melton 0.
Meralco 90 - West 31, Hodge 21, Caram 8, Wilson 7, Sena 6, David 6, Hugnatan 6, Salvacion 3, Bringas 2, Ildefonso 0, Timberlake 0, Dillinger 0.
Quarterscores: 30-23; 52-46; 76-69; 108-90.