MANILA, Philippines - Itinala ng Beermen ang kanilang ikalawang sunod na panalo, habang bumaÂngon ang Elasto Painters mula sa 0-2 panimula.
Inagawan ni import Reggie Williams si Marqus Blakely sa huling apat na segundo ng laro para ipreÂserba ang 92-90 tagumpay ng San Miguel Beer laban sa nagdedepensang San Mig Coffee sa 2014 PBA Governors’ Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Umarangkada naman ang Rain or Shine sa seÂcond half para patumbahin ang Globalport, 119-97, tampok ang game-high 30 points ni 2011 Best Import Arizona Reid.
“He really pushed himself minutes-wise,†sabi ni American active consultant Todd Purves kay Williams, tumapos na may 29 points at 9 rebounds. “He just kept battling.â€
Kinuha ng Mixers ang 69-60 bentahe mula kina Blakely, Marc Pingris at Mark Barroca sa pagsisimula ng fourth quarter bago kumamada sina Williams, June Mar Fajardo at Chris Ross para sa 92-87 kalamangan ng San Miguel Beer sa huling 13.7 segundo.
Isinalpak ni James Yap ang isang three-point shot sa nalalabing 6.7 segundo na naglapit sa San Mig Coffee sa 90-92 agwat kasunod ang dalawang mintis na free throws ni Williams sa panig ng San Miguel Beer.
Nang makuha ni Blakely ang rebound ay humaÂngos siya para sa huling posesyon ng Mixers, ngunit naagawan naman siya ni Williams na sumelyo sa panalo ng Beermen.