MIAMI -- Maglalaro si Paul George para sa Indiana PaÂÂcers sa Game Three ng Eastern Conference Finals.
Binigyan ng ‘go-signal’ si George na makasama ng PaÂcers matapos matuhod sa ulo ni Dwyane Wade na nangyari sa Game Two na napagwagian ng Heat, 87-83, para itabla ang best-of-seven series sa 1-1.
Mahalaga ang makukuhang panalo para sa Pacers upang mabawi nila ang homecourt advantage sa serye.
“I don’t know if the home court really matters right now in the playoffs,†wika ni Miami coach Eric Spoelstra. “It’s more about your collective disposition and you’re imposing that identity on the other team. I think either team could win home or away.â€
Ang back-to-back champions ay hindi pa natatalo sa limang laro sa home court sa post season pero hindi nakikita ni Pacer coach Frank Vogel ang bagay na ito.
“We played at a high level in the Washington series, and those last two against Atlanta when we were down in the series, we played with great desperation,†tugon ni Vogel.
Noong Martes huling nagtuos ang dalawang koponan at ang ilang araw na pahinga ang tiyak na nagamit ng koÂponan para mapaghandaan ang Game Three at sa Pacers ay maipahinga ang mga may injuries na key pla-yers tulad ni George.
Desidido naman si LeBron James na gawin ang lahat upang maprotektahan ang kanilang home court.
“We have to protect our home, but we can’t go out there saying that just because we’re back home we get automatic wins. We’ve got to play,†wika ni James.
Ang Heat ay mayroong 35-7 marka sa home court mula noong dumating si James.
Sa pitong talo na kanilang nalasap, dalawa ay nanggaÂling sa Indiana.