3x3 Tatluhan Finals didribol bukas
MANILA, Philippines - Muling matutunghayan ang klasikong half-court playground basketball sa paÂmamagitan ng 2014 Talk ‘N Text-SBP U18 3x3 TatÂluhan Finals bukas sa Pearl Sports Complex sa Harrison Plaza, Manila.
Papagitna ang 20 four-man teams mula sa iba’t ibang probinsya matapos ang pang alas-11 ng umagang opening ceremony.
Ang magkakampeon ang kakatawan sa bansa paÂra sa 3x3 FIBA World Tour-Asia Pacific Leg na naÂkatakda sa Hulyo 19-20 sa Fashion Hall ng SM MeÂgamall.
Ang top two teams ng naÂturang torneo ang mapapanood sa 3x3 FIBA World Championship sa Tokyo sa Oktubre.
Ang mga nakapasok sa finals matapos ang mga reÂgional qualifying tournaments ay ang St. Louis-LHS-B from Baguio City, Team Wowie (Cauayan, IsaÂbela), Team DDDV-B (DaÂgupan), UA-3 (Pampanga/Olongapo City), Team USA College (Iloilo), Team Faith (Tanuan, BaÂtangas), SHS Ateneo 1 (CeÂbu), Team Titans (Naga City), Team Mandarayo Boys (Lucena, Quezon), GolÂden City (Sta. Rosa, LaÂguna), Cenn Taynan (KiÂdapawan, Cotabato), Red Rooster (Zamboanga City), Holy Cross CruÂsaÂders (Davao City), Barangay Gusa (Cagayan de Oro), Team Davies A (BaÂcolod City), AMA 2 (NaÂtional Capital Region-CenÂtral), Barangay Signal D (NCR-South), San Juan 1 (NCR-PNG), Caloocan Team (NCR-North) at Aroro Team (Ormoc).
Binubuo ng mga plaÂyers na may edad 18-anÂyos pababa, ang mga fiÂnaÂlists ay hahatiin sa apat na grupo at maglalaro sa single round elimination.
Ang top two teams muÂla sa bawat grupo ang aabante sa Last 8 para sa crossover matches.
Ang mga mananalo ang papasok sa semifinals paÂtungo sa finals na may premyong P35,000.
- Latest