MANILA, Philippines - Magbabalik ang Ultimate Fighting Championship (UFC) sa Sin City na taÂtampukan ng pagdedepensa ni UFC bantamweight champion Renan BaÂrao laban kay wrestler at striker TJ Dillashaw sa main event ng UFC 173.
Nagmula si Barao sa isang first round knockout sa kakampi ni Dillashaw na si Urijah Faber noong PebÂrero para patuloy na pagÂharian ang bantamweight diÂvision sa ikatlong sunod na pagkakataon.
Samantala, lalabaÂnan naman ni Pride at Strikeforce champion Dan HenÂderÂson si title contender DaÂÂniel Cormier sa light heavyweight bout bilang co-main event.
Mapapanood din ang banggaan nina welterweight knockout artists RobÂÂbie Lawler at Jake EllenÂberger bilang supporÂting event.
Ang UFC 173: Barao vs Dillashaw ay mapapanood via satellite sa Balls Channel, ang tahanan ng UFC, buÂkas simula alas-10:30 ng umaga.