Tierro at Capadocia nagdomina sa 2014 PNG
MANILA, Philippines - Inangkin nina Phl Davis CupÂper Patrick John Tierro at Marian Jade Capadocia ang mga gintong medalya sa men’s at women’s singles sa 2014 PSC National Games kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.
Giniba ni Tierro si Alberto Lim, 6-4, 6-3, at tinalo ni Capadocia si Khim Iglupas, 6-3, 5-7, 6-1.
Sina Tierro at Capadocia ang kasalukuyang No. 1 netters ng bansa.
Sa women’s billiards, ginÂulat ng 14-anyos na si Cheska Centeno si world 10-ball champion Rubilen Amit sa finals, 9-8, sa PSC billiards hall.
Ito ang unang gold meÂdal ni Centeno sa naunang tatlong edisyon ng PNG.
Sa women’s volleyball, piÂnayukod ng nagdedepenÂsang Philippine Air Force ang La Salle, 25-22, 26-28, 20-25, 26-24,15-7, para kuÂnin ang gintong medalya.
Nagkampeon din ang Air Force sa men’s division maÂtapos talunin ang UAAP titlist na National University, 25-19, 26-28, 25-20, 25-11, sa event na suportado ng Summit Natural Water, ForÂever Rich Philippines, BaÂla Energy Drink, Milo, StanÂdard Insurance, SM MaÂrikina at PLDT-My DSL.
- Latest