^

PSN Palaro

Oklahoma magpipilit makaiskor sa San Antonio sa kanilang serye

Pilipino Star Ngayon

OKLAHOIMA CITY --  Ang dalawa pang panalo ng dominanteng San Antonio Spurs sa kanilang Wes­tern Conference finals se­ries ang tuluyan nang ta­tapos kay Kevin Durant at sa Thunder.

Magbabalik ang Thunder sa kanilang tahanan ma­tapos malasap ang 0-2 pagkakabaon sa kanilang championship series ng Spurs.

Nagmula ang Oklahoma City sa isang 35-point loss sa San Antonio sa Game 2.

Iniwanan din ng Spurs ang Thunder sa 2-0 noong 2012 Western Conference finals bago nila inangkin ang sumunod na apat na la­ro para umabante sa NBA Finals.

‘’We’ve been there before,’’ sabi ni Durant matapos umiskor ng 15 points sa kanilang 77-112 kabigu­an sa Game 2.

“You know, we try not to just say since we were down 0-2 two years ago and we end up winning, we’ll do the same thing. We’ve really got to figure it out on how we need to get bet­ter, and we’ve always done that. We’ve got to just stick together and believe in each other that we can come out and try to get Game 3 on Sunday,” dagdag pa ng NBA MVP.

Noong 2012 ay nata­lo ang Thunder sa unang da­lawang laro nila sa San An­tonio bago nila balikan ang Spurs at tapusin ang ka­nilang serye sa 4-2.

Ngunit ngayon ay ti­nambakan ng San Antonio ang Oklahoma City ng pi­nagsamang 52 points.

Dalawang taon na ang na­kararaan ay kumakama­da para sa Thunder sina James Harden at Serge Iba­ka, ang dalawang player na maaaring magpanalo sa koponan kapag minamalas sina Durant at Westbrook.

Subalit lumipat na si Har­den sa Houston Roc­kets, habang may injury na­man si Ibaka.

HOUSTON ROC

JAMES HARDEN

KEVIN DURANT

OKLAHOMA CITY

SAN AN

SAN ANTONIO

SAN ANTONIO SPURS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with