MANILA, Philippines - Tinupad ni Senadora Pia Cayetano ang naunang sinabi na gagawa ng batas para maprotektahan ang mga student-athletes hinggil sa karapatang mamili ng paaralang kanyang papaÂsukan.
Katuwang sina SenaÂdora Cynthia Villar at MiÂriam Defensor-Santiago, ipinanukala ng tatlo ang Senate Bill no. 2226 na batas na poprotekta sa kaÂrapatan ng student athletes patungkol sa residency reÂquirement ng mga school leagues.
Balak ding pigilan ng ipinanukalang batas ang labis na komersiyalismo ng mga liga na kadalasan ay nauuwi sa bilihan ng mga manlalaro.
Kumilos si Cayetano dahil ilang manlalaro ang hindi nakasali sa nakaraang taong UAAP bunga ng kanilang desisyon na lumipat ng ibang paaralan.
Bunga nito ay nagpalabas ng bagong batas ang UAAP board na two-year residency rule at nangahulugan ito na dalawang, taon na hindi magagamit ang atletang lumipat ng ibang paaralan.
Nabahala si Cayetano dahil ang residency rule ay hindi lamang pumipigil sa karapatan ng isang atleta na mamili ng paaralang papasukan lalo na ang mga bagong graduate sa high school, kungdi sisirain din ng batas ang athletic career ng mga ito.
Sa SB 2226, inaalis nito ang residency rule sa mga student-athletes na tutuÂng- tong ng kolehiyo habang isang taon ang residency rule sa mga atletang lilipat sa ibang kolehiyo o unibersidad mula sa pinapasukang unibersidad o kolehiyo.
Bukod sa mga collegiate leagues, ang batas ay maaaring ipairal din sa lahat ng mga NSAs. (ATan)