Laro Ngayon
(Ynares Arena, Pasig City)
2 p.m. Cebuana Lhuillier vs NLEX
4 p.m. Jumbo Plastic
vs Blackwater Elite
MANILA, Philippines - Ilapit ang mga sarili sa muling pagtutuos sa titulo ang pagsisikapang gawin ngayon ng nagdedepensang kampeon Blackwater Sports Elite at NLEX Road Warriors sa pagsisimula ng PBA D-League Foundation Cup semifinals sa Ynares Arena sa Pasig City.
Ang Elite ay babangga sa Jumbo Plastic Giants sa tampok na laro na magsisimula matapos ang unang bakbakan sa pagitan ng Road Warriors at Cebuana Lhuillier Gems sa ganap na alas-2 ng hapon.
Best-of-three ang serye kaya’t ang mananalo sa larong ito ay mangangaÂilangan na lamang na ipanalo ang Game Two para maitakda ang pagtutuos sa titulo sa isa ring best-of-three series.
Sa 2013 Foundation Cup, ang NLEX at Blackwater Sports ang siyang naglaban at sinilat ng Elite ang Road Warriors para maging ikalawang koponan sa liga na nakatikim ng kampeonato.
Pero hindi magiging madali ang pakay na ito ng dalawang koponan dahil determinado rin ang Gems at Giants na pigilan ito.
Ang Gems ang huling koponan na umabot sa Final Four nang kalusin ang Big Chill, 67-60, noong Martes.
“Malakas ang NLEX pero ang panlaban namin ay puso,†wika ni Gems coach David Zamar.
Sa kabilang banda, ang mahabang break ang inaasahan ni NLEX coach Boyet Fernandez na hindi sana makaapekto sa ipakikita ng koponan.
Ang tagisan ng Elite at Giants ay rematch matapos maglaban ang dalawang koponan sa quarterfinals ng Aspirants’ Cup.
Bitbit ng Giants ang twice-to-beat advantage pero tinalo sila ng dalawang sunod ng Elite.
‘Hopefully, we’ve learÂned our lesson,†ani ni Giants coach Stevenson Tiu na tinalo rin si coach Leo Isaac sa pagtutuos sa elimination round, 76-68. (ATan)