^

PSN Palaro

Shakey’s V-League finals Lady Tams pipiliting kunin ang unang titulo

Pilipino Star Ngayon

Laro sa Linggo

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. UST  vs Adamson (3rd place)

4 p.m. FEU  vs NU

 (championship)

 

MANILA, Philippines - Hindi magkukumpiyan­sa ang Far Eastern University Lady Tamaraws sa pagharap uli sa nagdedepensang kampeon National University Lady Bulldogs sa Linggo sa The Arena sa San Juan City.

Nakauna ang Lady Tamaraws sa best-of-three Finals sa pamamagitan ng 26-24, 26-24, 25-22, panalo sa Lady Bulldogs upang mangailangan na lamang na manalo sa hu­ling dalawang laro.

Ang Game Two ay itinakda sa Linggo pero kung magkaroon ng deci­ding Game Three sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s, ito ay paglalabanan sa Hunyo 1.

Tinuran ni FEU coach Shaq Delos Santos na mataas ang motibasyon ng kanyang bataan dahil namumuro sila na ibigay sa paaralan ang kauna-unahang titulo sa ligang may ayuda pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.

Ang FEU na isa sa anim na pioneer team ay nagtala lamang ng pangatlong puwesto noong 2009.

“The girls played ins­pired volleyball and they showed toughness all throughout,” wika ni Delos Santos.

Kahit si Daquis ay alam na hindi pa tapos ang hi­ninga ng Lady Bulldogs.

“Defending champions sila at babalik sila kaya kailangang maging handa kami. Hindi puwedeng magkumpiyansa,” pahayag ni Daquis na nagpakawala ng 19 puntos mula sa 11 kills, 5 aces at 3 blocks.

Si Jovelyn Gonzaga ay inaasahang gagawa rin pero ang maganda sa Lady Tamaraws ay tumutulong din ang mga batang sina Bernadette Pons, Mary Joy Palma, Yna Papa at libero Christine Agno.

“Malaki ang maitutulong sa kanilang careers kung mananalo kami kaya talagang gagawin namin ang lahat para mag-champion para sa suporta na rin ng lahat,” dagdag pa ni Daquis.

Bukod sa opensa ay may matibay na depensa rin ang FEU at kanilang pinatunayan ito nang pahintulutan lamang ang matatangkad na magkapatid na sina Dindin at Jaja sa pinagsamang 21 puntos.

Inanunsyo naman ng pamunuan ng liga na ang Game Two ay mapapa­nood ng live sa GMA News TV mula sa alas-4 ng hapon.

Kasabay nito ay kinilala na rin ng liga ang mahu­husay na manlalaro na na­kita sa conference sa pa­ngu­nguna ni Santiago na pinarangalan bilang Best Server at Most Valua­ble Player (MVP). (ATan)

 

ANG GAME TWO

BERNADETTE PONS

BEST SERVER

DAQUIS

LADY BULLDOGS

LADY TAMARAWS

LINGGO

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with