MANILA, Philippines - Nilimitahan ng Cebuana Lhuillier Gems sa isang field goal ang Big Chill Superchargers sa huling 8:33 ng labanan para umabante sa PBA D-League Foundation Cup semifinals gamit ang 67-60 panalo kahapon sa Meralco Gym sa Ortigas Ave., Pasig City.
Kampante ng nakalayo ang Superchargers sa 57-47 sa three-pointer ni Adrian Celada pero tinapos ng Gems ang labanan gamit ang 20-3 bomba para manaig sa sudden-death sa pagtatapos ng quarterfinals.
“Gaya ng sinabi ko, the game is all about heart and I’m just glad that the my players proved they are winners,†wika ni Gems coach David Zamar.
Sina Bambam Gamalinda at Alvin Padilla na nalimitahan sa siyam at apat na puntos nang natalo ang Gems noong Huwebes, 64-72, ay bumawi sa kinamadang 21 at 14 puntos.
Nagsanib ang dalawa sa 10 puntos nang paÂkawalan ng Gems ang 12-0 bomba para kunin ang 59-57 kalamangan.
Pumukol ng tres si Mar Villahermosa para itulak ang Superchargers sa 60-59 sa huling 3:30 ng laro.
Ngunit ito na ang huÂling hirit ng tropa ni coach Robert Sison dahil sina Gamalinda, Marcy Arellano at Brian Ilad ay nagtambal sa 8-0 run.
Si Arellano ay naghatid pa ng walong puntos bukod sa 9 rebounds at tig-dalawang assists at steals para samahan ng Gems ang NLEX Road Warriors, Jumbo Plastic Giants at Blackwater Elite Sports sa Final Four.
Ang semifinals ay inilagay sa best-of-three series at bubuksan bukas at katatampukan ng tapatan ng NLEX at Gems at Giants at nagdedepensang kampeon Elite. (ATan)