Heat babawi sa Game 2

INDIANAPOLIS--Alam na alam na ni LeBron James ang kanyang gagawin sa Game 2 para itabla ang Mia­mi Heat sa Indiana Pacers.

“My approach is the same every game, try to put pressure on the defense, try to get to the free-throw line to help us win,’’ wika ni James.

Muling lalabanan ng Heat ang Pacers sa India­napolis sa Game 2 sa Martes ng gabi.

Inamin ni Heat coach Erik Spoelstra na masama ang kanilang inilaro sa Game 1, ngunit hindi naman niya sinabi kung ano ang gagawin niyang pagbabago sa Game 2.

Para sa Pacers, nanga­ngahulugan lamang ito na mas maraming gagawin si James sa Game 2 para ibawi ang Heat.

At walang mas naka­ka­alam sa gagawin ni James kundi si Paul George.

Sa nakaraang dalawang taon ay naglaban ang Miami at ang Indiana ng 15 beses kung saan si George ang palaging bumabantay kay James.

Nilusutan siya ni James para sa isang winning shot sa Game 1 noong 2013 Conference Finals.

Dahil kay James ay hindi pa natatalo ang Heat ng da­lawang sunod sa kanilang playoff games sapul noong 2012 Conference Finals kontra sa Boston.

Show comments