So kampeon sa Capablanca chessfest

MANILA, Philippines - Tuluyan nang inangkin ni Wesley So ang korona ng Capablanca Memorial 2014 matapos pumayag sa isang mabilis na 12-move draw kay 2013 winner Zoltan Almasi ng Hungary kahapon sa Habana Ri­viera sa La Havana, Cuba.

Ito ang pinakamala­king panalo ng 20-anyos na si So.

Nakakolekta si So ng 13.4 rating points dahil sa paghahari sa torneo na mag-aangat sa kanyang ELO rating sa 2744.4 sa susunod na buwan.

Tinapos ni So ang torneo na may 6.5 points tampok ang tatlong panalo kina Spaniard Francisco Vallejo Pons, Almasi at top seed at world No. 10 Leinier Dominguez Perez ng Cuba at pitong draws.

Nakipag-draw naman si Cuban Lazaro Bruzon Batista kay Dominguez para tumapos bilang ikala­wa at ikatlo tangan ang 5.5 at 5.0 points, ayon sa pagkakasunod.

Show comments