^

PSN Palaro

4 na import magpapasiklaban ngayon sa Big Dome

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling ipaparada ng Elasto Painters at Batang Pier ang mga balik-imports, habang itatampok naman ng Gin Kings at Express ang mga bagong pangalan sa 2014 PBA Governors’ Cup.

Ibabandera si 2011 PBA Best Import Arizona Reid, lala­banan ng Rain or Shine ang Air21 ngayong alas-5:45 ng hapon kasunod ang pagtatapat ng Barangay Ginebra at Globalport sa alas-8 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Itatapat naman ng Express, tinalo ng nagkam­peong San Mig Coffee Mi­xers sa semifinals round ng nakaraang PBA Commissioner’s Cup, si  Dominique Sutton.

Iginiya ni Reid ang Elasto Painters sa semis ng 2013 PBA Governors’ Cup kung saan sila tinalo ng Mixers sa likod ni import Marqus Blakely.

Ito ang ikatlong pagkakataon na maglalaro ang 6-foot-4 na si Reid sa PBA.

Sa ikalawang laro, iba­bandera naman ng Gin Kings si Zaccheus Mason laban kay balik-import Leroy Hickerson ng Batang Pier.

Inilarawan ng bagong Ginebra coach na si Jeffrey Cariaso ang University of Tennessee-Chattanooga standout na si Mason bilang isang maliit na James Mays, import ng San Mig Coffee sa katatapos na Commissioner’s Cup.

Magbabalik naman ang 6’2 na si Hickerson sa PBA para sa Globalport matapos kumampanya sa panig ng Air21.

Ang top four ay aabante sa quarterfinals kung saan magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage ang No. 1, No. 2, No. 3 at No. 4 kontra sa No. 8, No. 7, No. 6 at No. 5 team, ayon sa pagkakasunod.

Ang semifinals at ang Finals ay parehong lalaruin sa best-of-five series.

 

BARANGAY GINEBRA

BATANG PIER

BEST IMPORT ARIZONA REID

DOMINIQUE SUTTON

ELASTO PAINTERS

GIN KINGS

GLOBALPORT

JAMES MAYS

JEFFREY CARIASO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with