OKLAHOMA CITY--MaÂtapos ang nakakahilong simula sa NBA playoffs --dramatikong mga laro sa Game 7, mga overtime games--nagbalik na sa normal ang postseason.
Umabante ang mga top seeds sa East at West sa conference finals.
Ang two-time defending champion Miami Heat ang naging pinakadominanteng koponan sa postseason kung saan isang beses lamang sila natalo.
Dumaan naman sa butas ng karayom ang top-seeded na Indiana Pacers papasok sa East finals rematch ng Heat.
Napuwersa naman ang San Antonio sa Game 7 bago sibakin ang Dallas Mavericks sa first round na sinundan ng paggiba sa Portland sa Game 5 ng semis para umabante sa West finals.
Bumangon ang Oklahoma City mula sa 2-3 pagkakaiwan para talunin ang Memphis kasunod ang kanilang six-game series kontra sa L. A. Clippers.
Magsisimula ang East finals sa Linggo kung saan lalabanan ng Indiana ang Miami.
Ang West finals ay magÂbubukas sa Lunes sa pagitan ng Oklahoma City at San Antonio.
Hindi na sikreto ang kagustuhan ng Pacers na maitakda ang kanilang rematch ng Heat matapos matalo sa Game 7 noong nakaraang East Finals.
Tinalo naman ng Thunder ang Spurs, 4-2 noong 2012 West Finals.
At marami ang nagsaÂsabing muli sanang tinalo ng Thunder ang Spurs noong 2013 kundi lamang nagkaroon ng injury si Russell Westbrook.
“There aren’t really any surprises,†ani San Antonio coach Gregg Popovic.
Hangad naman ng Heat, babanderahan ni LeÂBron James, ang kaÂnilang ikatlong sunod na titulo.
Nagtala si James ng mga averages na 30 points at 7.1 rebounds sa playoffs.
“It’s the two best teams in the Eastern Conference,†sabi ni James sa kanilang pagsagupa sa Indiana. “It’s that simple. Both teams defend at a high level, both teams share the ball. Both teams get into the paint, and both teams have a desire to win.â€