MIAMI--Lumundag si LeBron James sa isang courtside table sa pagsisiÂmula ng kanilang postgame celebration at tinambol ang kanyang dibdib at sumuntok sa hangin.
Muling pumasok ang Miami Heat sa Eastern Conference Finals.
Umiskor si James ng 29 points, habang may 28 si Dwyane Wade at si Ray Allen ang kumamada sa huling dalawang plays ng Heat sa dulo ng fourth quarter para sa kanilang 96-94 panalo sa Brooklyn Nets at tapusin sa 4-1 ang kanilang semifinals series.
Ito ang ika-10 sunod na series win para sa two-time defending NBA champions.
Iniwanan ng walong puntos sa huling limang minuto sa laro, pinuwersa ng Heat ang Nets sa siyam na sunod na mintis kasabay ng kanilang 12-0 atake para agawin ang unahan.
Ang 3-point shot ni Allen mula sa pasa ni Mario Chalmers sa huling 32 segundo ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng MiaÂmi.
Ginulo ni Allen ang driÂÂbol ni Joe Johnson at tinapik ni James ang bola sa pagtunog ng final buzzer.
Tumipa si Chris Bosh ng 16 points at tumapos si Allen ng 13 para sa Miami.
Kumamada naman si Johnson ng 34 points, habang may 19 si Paul Pierce at 17 si Deron Williams sa panig ng Nets.
Lalabanan ng Heat sa East Finals ang mananaig sa pagitan ng fifth-seeded Washington at top-seeded Indiana.
Dala ng Pacers ang 3-2 abante sa kanilang serye ng Wizards.
Sa San Antonio, umiskor sina Danny Green at Kawhi Leonard ng tig-22 points at nalampasan ng San Antonio Spurs ang injury kay Tony Parker para tapusin ang kanilang WesÂtern Conference semifinals ng Portland Trail Blazers sa bisa ng 104-82 panalo.
Nagdagdag si Patty Mills ng 18 points at may 16 si Tim Duncan para sa San Antonio.
Ito ang ikatlong sunod na conference finals appearance ng Spurs, natalo sa Heat sa nakaraang NBA Finals.
Sasagupain ng San Antonio ang mananalo sa serye ng Oklahoma City at Los Angeles Clippers.
Lamang ang Thunder sa Clippers sa 3-2.
Tumipa si LaMarcus Aldridge ng 21 points para pamunuan ang Portland, habang nag-ambag si Damian Lillard ng 17 points at 10 assists.