MANILA, Philippines - Hindi na magagamit ang serbisyo ng mga mahuhusay na boksingero na sina Mark Anthony Barriga at Charly Suarez para sa 2015 SEA Games sa Singapore.
Ang dalawa ay magiging professional boxers na sa ilalim ng international body na AIBA Pro Boxing (APB).
Ang mga boksingerong lalaro sa APB ay tatanggap ng premyo pero hindi maÂaalis ang kanilang karapatan na sumali sa mga malalaking kompetisyon na may basbas ng AIBA.
“Even if they are classified as pros, they can still compete in the Olympics and Asian Games, though not in the Southeast Asian Games,†wika ni ABAP executive director Ed Picson.
Si Barriga ay beterano ng London Olympics at nanalo ng ginto sa 2013 MyanÂmar SEA Games habang si SuaÂrez ay nanalo noong 2011 SEAG sa InÂdonesia.
Hindi man masama sa SEA Games, malaki naman ang tsansa nina Barriga at Suarez na makakuha ng puwesto sa 2016 Olympics sa Rio de Janiero, Brazil dahil may slot na ipamimigay sa mahuhusay na boksingero ang APB.
“I think the Top two ranked boxers in each weight category will qualify for the Olympics and won’t have to go through the world and continental qualifiers anymore,†dagdag pa ni Picson.
Hindi na bago kina Barriga at Suarez na sumabak sa bigating kompetisyon ng AIBA dahil kinuha na ang dalawa sa mga koponang kasali sa World Series of Boxing sa koponan ng Italian Thunder.
Di tulad sa WSB na kung saan nakabase sa labas ng bansa ang dalawang boksingero, sina Barriga at Suarez ay patuloy na magsasanay sa Pilipinas para sa mga haharaping laban sa APB.
Hindi bababa sa apat na laban kada taon ang susuungin ng mga boksingerong sasali sa APB kaya’t tiyak na mahahasa ang kalidad ng mga ito.