Marquez pinuri si Pacquiao; panlimang laban posible

Nasa radar ni Juan Manuel Marquez si Manny Pacquiao dahil tangkang maagaw ang titulong hawak ng Pilipino upang maging kauna-unahang Mexicano na makakuha ng limang titulo sa magkakaibang weight division.

MANILA, Philippines – Sa pambihirang pagkakataon ay nakatanggap ng papuri si WBO welterweight champion Manny Pacquiao mula sa kanyang matinding karibal na si Juan Manuel Marquez.

Sa panayam ni Lem Satterfield ng ringtv.com ay sinabi ni Marquez na nakita niya ang pinakamatikas na anyo ni Pacquiao nang ibigay ng Filipino boxing icon ang unang talo ni Timothy Bradley.

"I saw the best Manny Pacquiao. Right now, Pacquiao is using his speed and his movement in the ring. I saw the best Manny Pacquiao because he landed a lot of punches with his speed. I liked the way that Manny Pacquiao fought," komento ng Mexicano.

"Pacquiao wants to beat everybody. I saw the best Manny Pacquiao. Right now, Manny Pacquiao is a champion again. Everybody knows that Pacquiao is a great fighter. Right now, Pacquiao, he'll be back."

Nakatakdang harapin ni Marquez si Mike Alvarado sa Linggo at kung sakaling malampasan niya ito ay malaki ang posibilidad na magharap muli sila ni Paquiao para sa panlimang pagkakataon.

Nasa radar ni Juan Manuel Marquez si Manny Pacquiao dahil tangkang maagaw ang titulong hawak ng Pilipino upang maging kauna-unahang Mexicano na makakuha ng limang titulo sa magkakaibang weight division.

Iginiit niya na kailangan niya munang tapusin si Alvarado bago niya isipin ang posibleng laban nila muli ng eight-division champion.

"It's not that difficult for me [winning another title]. Maybe in the future, I will have the most important fight of my career. Right now, I'm thinking about Alvarado because Alvarado is a tough fighter," wika ni Marquez.

"Right now, I'm thinking about Alvarado. I know that Manny Pacquiao is there if I win this fight" "I don't want to look past this fight right now. Let's find out what happens on Saturday and then go from there."

Show comments