13 koponan sa 3x3 Under-18 Challenge ng Rain or Shine

MANILA, Philippines -

Sinasabing mabigat na koponan sa two-day event na suportado ng Rain or Shine Paints bilang major sponsor ang Ateneo at ang La Salle Greenhills.

Sinabi ni Edison Oribia­na ng Rain or Shine na mag­­bibigay din ng magandang laban ang Hope Christian High School at ang Xavier School sa tor­ne­ong itinataguyod din ng Ace Hardware, Adidas at ng SM Fairview.

Ibabandera ng Hope Christian si dating Phl team member Jollo Go at 7-foot-7 Tsaddy Rangel na na­kakuha ng tiket para sa NBA Jr. All- Star.

Ang iba pang kasali sa tor­neo ay ang Far Eastern University, University of Per­petual Help, St. Stephen’s High School, Pasay Chung Hua, Arellano Uni­versity, Grace Christian College, Quezon City Science High School at ang St. Paul College.

Show comments