Priority athletes kailangang magpakita ng maganda sa PNG
MANILA, Philippines - Humigit-kumulang sa 7,000 atleta ang inaasaÂhang lalahok sa 4th Philippine National Games na nakatakda sa Mayo 16-24 sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila.
Itatampok sa 2014 PNG ang mga atletang nasa ‘priority list’ at mga miyembro ng delegasyong isasabak sa darating na Asian Games sa Incheon, Korea.
“They should be taking this event seriously,†sabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia sa 160 ‘prioÂrity athletes’ na sasabak sa nasabing sports meet. “We have as in the past adjusted the ratings of the athletes that have not performed well.â€
Ang mga ‘priority athleÂtes’ ay tumatanggap ng monthy allowance na P40,000 bukod pa sa kanilang mga international exposure kumpara sa mga miyembro ng national traiÂning pool.
Ang mga atleta namang sisira ng national records ngunit hindi kasama sa ‘priority list’ at national contingent para sa Incheon Asiad ay awtomatikong ibibilang sa delegasyon para sa 2015 Southeast Asia Games sa Singapore.
Mula sa 42 sports events noong nakaraang taon ay pinalobo ng nag-oorganisang PSC sa 52 ang events na paglalabaÂnan ng mga atleta ngayong taon.
“As of today, we have already 2,430 registrants online. So we should expect a bigger and better 2014 PNG,†wika ni PSC Commissioner Jolly Gomez. “It is extra special for us because we are staging the Games together with the Philspada Games.â€
- Latest