MANILA, Philippines - Kinapitan ng nagdeÂdeÂpensang kampeon BlackÂwater Sports Elite ang ikalawang puwesto sa pamamagitan ng 85-78 panalo sa Cebuana Lhuillier Gems sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Meralco Gym sa Ortigas Ave., Pasig City.
May 23 puntos at 10 rebound si Reil Cervantes at siya ang tumayong bida nang naipasok ang biÂnitiwang 3-pointer para bigyan ang Elite ng 83-78 kalamangan sa huling 42 segundo ng labanan.
Nagdagdag sina Kevin Ferrer at Gilbert Bulawan na galing sa bench, ng 13 at 11 puntos habang si Jericho Cruz ay may 10 puntos bago na-foulout sa laro.
May 6-3 karta ang tropa ni coach Leo Isaac at kailangan nila na matalo ang Jumbo Plastic Giants sa Café France Bakers ngaÂyong hapon upang saÂmahan ang NLEX Road Warriors sa semifinals.
Kung manalo ang Giants, sila ang aabante sa Final Four dahil tinalo nila ang Elite sa kanilang pagtutuos.
Bumaba ang Gems sa 5-4 karta at bigo man sa insentibo para sa maÂngungunang dalawang koponan, taglay naman nila ang twice-to-beat advanÂtage sa quarterfinals.
Diniskaril ng talsik ng Hog’s Breath Café Razorbacks ang paghahabol sa quarterfinals ng Cagayan Valley Rising Suns sa 90-89 overtime panalo sa unang laro.
Nakuha ni Billy Ray Robles ang offensive rebound sa mintis na 3-point attempt ni Paul Sanga para sa winning play.
Tinapos ng Razorbacks ang laban bitbit ang 3-6 karta at ang off-the-bench na si Robles ay naghatid ng 14 puntos at 8 rebounds, lima rito ay sa offensive glass.
Ito ang ikaanim na kabiguan matapos ang siyam na laro ng Cagayan para magbakasyon na rin ang nasabing koponan.