MANILA, Philippines - Sisikapin ng Cebuana Lhuillier Gems na okupahan na ang ikalawa at huÂling awtomatikong puwesto sa semifinals sa pagharap sa nagdedepensang kampeon Blackwater Sports Elite sa pagpasok sa huling dalawang araw ng eliminasyon sa PBA D-League Foundation Cup ngayon sa Meralco Gym sa Ortigas Ave., Pasig City.
Pangalawang laro daÂkong alas-4 ng hapon magsisimula ang nasabing tagisan at ang makukuhang panalo sa Elite ay sapat na para samahan ng Gems ang walang talong NLEX Road Warriors sa Final Four.
Magkasalo ngayon ang Gems, Elite at pahingang Jumbo Plastic Giants sa 5-3 karta at kung manaig ang tropa ni coach David Zamar at manalo ang Giants sa Café France BaÂkers bukas, magkakaroon ng two-way tie sa 6-3 karta.
Ngunit tinalo ng Gems ang Giants sa naunang tagisan, 60-54, para umabante na.
Walang balak ang Elite na matalo sa larong ito dahil may tsansa rin sila sa mahalagang insentibo kung manalo sa Gems at matalo ang Giants sa Bakers.
Inspirado ang tropa ni coach Leo Isaac matapos malusutan ang Boracay Rum Waves (96-94) at Bakers (69-67) sa huling dalawang laro.
Hanap ni Isaac ang soÂlidong paglalaro sa mga beterano na sina Allan Mangahas, Jericho Cruz, Reil Cervantes, Narciso Llagas at Kevin Ferrer upang matapatan ang larong ipakikita nina James Martinez, Marcy Arellano, Paul Zamar at Bambam Gamalinda ng Gems.
Palalakasin ng Cagayan Valley Rising Suns ang paghahabol para sa quarterfinals sa pag-asinta ng panalo sa talsik ng Razorbacks sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon.
May 3-5 baraha ang Rising Suns at kasalo ngaÂyon ang Waves at Bakers para sa ikaanim at huling puwesto na magpapatuloy ng laban sa liga.