MANILA, Philippines - Ipinakain ni Donnie NieÂtes ang mga di magagandang pananalita na ibinato sa kanya ni Mexican boxer Moises Fuentes nang tatlong beses niyang pinabagsak ito sa ninth round tungo sa matagumpay na pagdepensa sa hawak na WBO light flyweight title noong Sabado ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ang matinding kanan sa bukas na panga ni Fuentes ang tumapos sa laban sa 2:56 ng 9th round upang mapanatili ng 31-anyos na si Nietes ang titulo na idinepensa sa ikaapat na pagkakataon.
Bago ito ay minaliit ng 28-anyos na si Fuentes ang kaÂkayahan ni Nietes nang nauwi sa kontrobersyal na tabla ang unang pagÂtutuos noong Marso 2, 2013.
Sinabihan pa nito ang nagdedepensang kampeon na huling natalo ay noÂon pang Setyembre, 20Â04, na hindi karapat-dapat na maging kampeon dahil patakbu-takbo ito at naprotektahan ng mga hurado kaya’t nauwi sa tabla ang laban.
Nakadagdag ang mga pahayag na ito kay Nietes na patunayan ang sarili para sa kumbinsidong panalo.
“Marahil ay napatunaÂyan ko na isa ako sa maÂhuÂhusay na boksingero sa panalong ito,†wika ni Nietes na ngayon ay mayroong 33 panalo sa 38 laban bukod sa 19 KOs.
Ito ang ikalawang knockÂout win ni Nietes laban sa mga Mexican boÂxers dahil noong nakaraang Nobyembre 30 sa Smart Araneta Coliseum ay tatlong rounds lamang ang itinagal ni Sammy Gutierrez.
Sa pagsisimula ng bakbaÂkan ay makikita ang determinadong si Nietes at ipinamalas ang matinding depensa para maisantabi ang tatlong pulgadang height advantage ng 5’6 na si Fuentes.
Ang paupu-upong disÂkarte matapos magpaÂkawala ng suntok na kadalasan ay tumatama sa katawan ni Fuentes ay ininÂda ng challenger dahil buÂkod sa nasisira ang tiÂming nito ay mahina rin ang bodega ng Mexicano.
Isang matinding bira sa katawan ni Fuentes ang nagresulta para mamilipit ito.
Nabawasan ng puntos si Nietes nang patamaan ang kalabani habang nakaupo pero agad na binawi ng tubong Murcia, Negros ang pangyayari nang pahalikin uli sa lona si Fuentes sa matinding kaliwa.
Nakatayo pa si Fuentes at tila matatapos ang round nang tamaan ng kanan upang gumewang muna bago pasubsob na tumumba sa lona dahilan upang itigil na ni referee Robert Bryd ang title fight.
Bukod sa WBO ay kampeon na rin ng nirerespetong The Ring si Nietes daÂhil binigyan nila ng basbas ang labang ito.
Nais ni Nietes na maÂbigyan ng pagkakataon na masukat ang kampeon ng ibang dibisyon para tunay na mapatunayan na siya ang hari sa 108-pound division.
Ang panalo ni Nietes ang tumapos sa magandang ipinakita ng tatlong Filipino boxers laban sa mga Mexicano.
Unang humirit ng unanimous decision ang nagbabalik na dating world challenger na si Rey “Boom Boom†Bautista laban kay Sergio Villanueva habang napanatili ni WBO internationalf flyweight champion Milan Melindo ang titulo sa majority decision kontra kay Martin Tecuapetia.