^

PSN Palaro

Texters balik sa porma, serye itinabla sa 1-1

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ngunit kinailangan pa rin nilang malampasan ang pagbabalik ng Mixers sa fourth quarter na wala sina two-time PBA Most Valua­ble Player James Yap, PJ Simon, Joe Devance at Marc Pingris.

Naglista si guard Jayson Castro ng game-high na 30 points para pagbidahan ang 86-76 tagumpay ng Talk ‘N Text laban sa San Mig Coffee at itabla sa 1-1 ang 2014 PBA Commissioner’s Cup Finals ka­gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nagdagdag si import Richard Howell ng 18 markers para sa pagresbak ng Tropang Texters mu­la sa 80-95 kabiguan sa Mixers sa Game One ng kanilang best-of-five championship series.

“The main thing was effort,” sabi ni Talk ‘N Text head coach Norman Black. “We played with a lot more intensity and energy. That’s what keyed the win.”

Matapos kunin ang 37-33 abante sa first half ay nagtala ang Tropang Texters ng isang 16-point lead, 63-47, mula sa dalawang free throws ni Howell sa huling 2:22 ng third period.

Ikinasa ng Talk ‘N Text ang pinakamalaki nilang kalamangan sa  18 puntos, 67-49, sa pagsisimula ng final canto buhat sa jumper ni Kelly Williams.

Sa nasabing yugto ay ipinahinga ni San Mig Coffee mentor Tim Cone sina Yap, Simon, Devance at Pingris.

Sa kabila nito, nailapit pa rin ng Mixers ang laro sa 73-79 agwat sa pamumuno nina import James Mays, Mark Barroca at rookies Justine Melton at Ian Sangalang sa huling 3:02 minuto.

Nagsalpak si Castro ng isang three-point shot para muling ilayo ang Tropang Tex­ters sa 82-73 kasunod ang tatlong free throws nina Barroca at Sangalang na nagdikit sa Mixers sa 76-82 sa 1:36 minuto.

Ang dalawang free throws ni Ranidel De Ocam­po sa natitirang 27.5 se­gundo ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Talk ‘N Text.

 

CUP FINALS

GAME ONE

IAN SANGALANG

JAMES MAYS

JAYSON CASTRO

JOE DEVANCE

N TEXT

SAN MIG COFFEE

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with