NBA itinalaga si Parsons bilang interim CEO ng Clippers

NEW YORK -- Iniluklok ng NBA si Dick Parsons para pamahalaan ang Los Angeles Clippers.

‘’This is an issue that’s actually bigger than just the Clippers, bigger than just the NBA in my judgment,’’ wika ni Parsons. “The whole world is kind of watching how,  frankly, we as a country navigate our way through this crisis. So if I can help, I’m happy to try.’’

Pinili ng NBA si Parsons, ang 66-anyos na dating Citigroup chairman at da­ting Time Warner chairman at CEO, bilang interim CEO ng Clippers.

Ito ay matapos patawan ng NBA si team owner Do­nald Sterling ng lifetime ban dahil sa racist remarks nito.

Ikinatuwa naman ni Doc Rivers, ang Clippers coach at senior vice president of basketball operations, ang naging desisyon ng NBA.

“I think it’s a very good hire for us,’’ sabi ni Doc Rivers.

Si Parsons ang mamamahala sa pagpapatakbo ng prangkisa at dadalo rin siya sa owners meetings habang pinipilit ng NBA si Sterling na ibenta ang Clippers matapos patawan ng lifetime ban bunga ng racist remarks nito.

Habang hindi puwedeng umeksena si Sterling ay nagsumite si team president Andy Roeser ng indefinite leave of absence, nagtutulong ang NBA at ang Clippers para makahanap ng gigiya sa prangkisa katuwang si Rivers.

 

Show comments