^

PSN Palaro

Buenaventura umukit ng silver sa Thailand Open

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napantayan ni Riezel Buenaventura ang marka niya sa Myanmar SEA Games upang makasungkit ng pilak na medalya sa idinaos na 2014 Thailand Open sa Thammasat University sa Bangkok, Thailand.

Ang 28-anyos na si Bue­naventura ay naka­ga­wa ng 3.80m marka women’s pole vault upang ibigay sa Pilipinas ang ikala­wang medalya sa nasabing kompetisyon.

Nagtangka ang da­ting pambato sa event ng FEU na malampasan ang 3.90-metro pero sumabit ang kanyang tatlong attempts.

Ang ginto ay napunta sa Thai bet sa 3.90-m marka habang si Hsu Hsueh-Chin ng Chinese Taipei ang kumuha ng bronze medal sa 3.70-m marka.

Nagawa ang marka ni Buenaventura, isa ng assistant coach sa Ateneo at nanalo ng bronze medal sa 2013 SEAG,  kahit walang gaanong ensayo.

Ang naitala ay magandang senyales din sa lady pole vaulter para sa gaganaping Philippine National Games sa Metro Manila.

Naunang ibinigay ni Julian Reem Fuentes ang bronze medal sa larangan ng men’s long jump sa 7.18-metro marka upang magkaroon ng kinang ang apat na atleta at isang coach na ipinadala ng PATAFA at sinuportahan ng Cebu Pacific.

Sina Manuel Lasangue Jr. at Evalyn Palabrica ang iba pang ipinanlaban ng bansa pero hindi sila pinalad na makapaghatid ng medalya.

Si Lasangue ay naka­gawa ng 1.95-metro sa high jump para malagay sa ikapitong puwesto habang si Palabrica ay nagposte naman ng 42.39-metro best  throw upang tumapos sa pang-apat na puwesto sa naturang meet.

vuukle comment

CEBU PACIFIC

CHINESE TAIPEI

EVALYN PALABRICA

HSU HSUEH-CHIN

JULIAN REEM FUENTES

METRO MANILA

PHILIPPINE NATIONAL GAMES

RIEZEL BUENAVENTURA

SI LASANGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with