MANILA, Philippines - Kumapit ang suwerte sa nagdedepensang kampeon Blackwater Sports Elite sa endgame para maitakas ang 69-67 panalo sa Café France at makasalo sa ikalawang puwesto sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Nakumpleto ni Reil CerÂvantes ang three-point play para pagningasin ang 10-4 run at umangat ang Elite sa 5-3 karta kasalo ang pahingang Cebuana Lhuillier Gems at Jumbo Plastic Giants.
Naghatid si Cervantes ng 14 puntos habang sina Gio Ciriacruz, Mark Cruz, Kevin Ferrer at Jericho Cruz ay may 17, 10, 10 at 10 puntos.
“We played a lousy game. Mabuti na lamang at naroroon ang mga beteÂrano namin,†pahayag ni Isaac na naghahabol pa ng ikalawang awtomatikong puwesto sa semifinals.
Sinayang ng Bakers ang hawak na 63-59 kalamangan para bumaba sa 3-5 karta.
Kailangan nilang manalo sa Giants sa pagtatapos ng elimination sa Martes para manatiling buhay ang tsansa na umabante sa quarterfinals.
Humugot ang NLEX Road Warriors ng 16 puntos kay Jake Pascual, may 15 si Kevin Alas at 10 puntos at 10 boards ang hatid ni Ola Adeogun tungo sa 70-58 panalo sa Big Chill Superchargers sa unang laro.
Si Alas ang nagpasiÂmula sa maalab na paglaÂlaro ng Road Warriors nang nagtala ito ng 4-of-6 shooÂting sa first half para bigyan ng 38-29 kalamangan ang koponan tungo sa paglista ng 9-0 sweep sa elims.
Hindi na pinabangon ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang katunggali upang tapusin ng Superchargers ang elimination round sa 4-5 baraha.
Nasa ikalimang puwesto ang Big Chill pero kailangan pa nilang antayin ang resulta ng laro ng ibang nasa babang koponan para malaman kung magpapatuloy pa ang kanilang kampanya sa liga.