^

PSN Palaro

Saavedra muling nagpasiklab Bagong Palaro record itinakbo ni Udtohan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

SANTA CRUZ, Laguna--Naging ugali na ni Jomar Udtohan na sumira ng mga Palarong Pambansa records sa sprint events ng 57th Palarong Pambansa rito sa Laguna Sports Complex.

Kahapon ay binura ni Udtohanng NCR ang 1997 record na 49.4 segundo ni Rene Boy Tanuan ng Sou­thern Tagalog para sa bago niyang bilis na 48.7 segundo sa secondary boys’ 400-meter run.

“Sana makuha ko rin ‘yung gold medal sa 200 meter. Talagang pipilitin kong manalo para ma­katatlong golds ako,” sambit ni Udtohan.

Nauna nang sinira ng 17-anyos na high school graduate ng San Sebastian ang 1998 record na 10.9 segundo ni Roland Calaunan ng Central Visayas para sa bago niyang tiyempong 10.8 seundo sa 100m dash.

Kagaya ni Udtohan, bumasag din ng Palarong Pambansa mark si Alexis Soqueno ng Western Visayas sa secondary boys’ high jump nang iposte ang kanyang 1.92-meter para burahin ang 1.90m record ni Paulo Martinez ng Southern Tagalog na itinala noong 2002.

Tinangka ni Soqueno na lampasan ang national mark na 1.95m, ngunit hindi niya ito nakaya.

 Muli namang naglista ng bagong marka si National Capital Region tan­ker Imee Joyce Saavedra matapos magsumite ng oras na 4:51.83 sa elementary girls’ 400m freestyle para tabunan ang 4:54.55 ni Catherine Bondad ng Region IV-A na itinatala noong 2010.

Unang sinira ng 12-an­yos na si Saavedra ang mga Palarorecord sa 200m freestyle (2:16.72) at sa 100m freestyle (1:03.46).

ALEXIS SOQUENO

CATHERINE BONDAD

CENTRAL VISAYAS

IMEE JOYCE SAAVEDRA

JOMAR UDTOHAN

LAGUNA SPORTS COMPLEX

NATIONAL CAPITAL REGION

PALARONG PAMBANSA

PAULO MARTINEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with