OKLAHOMA City--Nakamit ni Kevin Durant ang kanyang kauna-unahang MVP trophy.
Tumanggap ang Oklahoma City Thunder star ng 119 first-place votes para ungusan sina Miami Heat superstar LeBron James, inangkin ang unang dalawang MVP awards at apat sa nakaraang lima, na may 6 first-place votes at Blake Griffin ng Los Angeles Clippers.
Nakuha ni Durant ang kanyang ikaapat na scoÂring crown sa nakaraang limang taon mula sa kanyang average na 32 points.
Iginiya ng 6-foot-9 forward ang Thunder sa pagtatala ng 59-23, ang seÂcond-best sa NBA, sa kabila ng paglalaro sa season na halos wala si three-time All-Star Russell Westbrook na may knee injury.