Kevin Durant bagong NBA MVP

MANILA, Philippines – Kinilala ang Oklahoma City Thunder superstar na si Kevin Durant bilang 2013-14 Kia NBA Most Valuable Player ngayong Miyerkules.

Ito ang unang pagkakataon na magawaran si Durant ng pinakamataas na individual award ng liga.

Tumabo si Durant ng 1,232 points, kabilang ang 119  first-place votes mula sa 124 na bumoto na kinabibilangan ng mga sportswriters, broadcasters, at NBA.com fans.

Tinanggal ng 25-anyos na forward sa trono si LeBron James ng Miami na nakakuha ng 891 points, habang nakabuntot sa MVP race sina Los Angeles Clippers’ Blake Griffin (434 points), Chicago Bulls’ Joakim Noah (322 points), at Houston Rockets’ James Harden (85 points).

Sa buong season ay may average si Durant na 32 points, 7.4 rebounds at 5.5 assists.

Bukod sa pagiging MVP ay naiuwi rin niya ang ikaapat niyang scoring title kung saan nakasama niya sina Michael Jordan na may 10, Wilt Chamberlain (pito), George Gervin (apat).

Hindi mapigilan si Durant ngayong taon kung saan 41 na laro siyang pumuntos ng hindi bababa sa 25 points noong Enero 7 hanggang Abril 6, kung saan nasibak niya ang record ni Jordan na 40 games noong 1986-87 season.

Show comments