MANILA, Philippines – Limang taon na ang nakalipas mula nang huling makapaglaro ssi Mark Cardona ng Air 21 sa Finals ng Philippine Basketball Association, kaya naman sa kanilang do-or-die game kontra San Mig Coffee ay ibubuhos na niya ang lahat upang makatawid sa championship round.
Marami ang nagulat sa pagpasok nila sa semi-finals, sa katunayan ay ito ang unang pagkakataon ng kanilang frachise na magawa ito at alam nilang hindi na dapat nilang pakawalan ang pagkakataon na gumawa ng kasaysayan na pumasok sa Commissioner's cup finals kontra sa wala pang talong Talk 'N Txt.
“Yun ang maganda sa buhay, hindi inaakala ng tao na makakapunta kami dito pero nakarating kami. Ang sarap ng pakiramdam. Ang tagal ko ng hindi nag-finals. Last pa yung 2009 with Talk n Text,†wika ni Cardona na kagaya ng kakamping si Asi Taulava ay nais makalaban ang dating koponan.
“Ngayon, may chance ako na makabalik. Pagtiyagaan na lang namin, andito na kami eh. Sacrifice lang. Ako, whatever it takes, sabi ko kay coach. Walang bad apple sa team. Walang nagrereklamo kahit konti or malaki ang playing time. Alam ng bawat isa ang role niya sa team,†banggit ng 32-anyos na si Cardona.
Isa sa mga pinaghuhugutan ng inspirasyon ng dating Lasalistang si Cardona ay ang 41-anyos na si Taulava na tinitignan niya bilang kuya.
“Yung peak ko nasa Talk n Text nun then nung nalipat ako sa Meralco nagtatatalo kami dun. Yung confidence ko bumaba. Natural naman yun sa player but it’s up to you kung magpapadala ka sa sasabihin nilang laos ka na, wala ka ng ibubuga,†kuwento niya.
“Prove yourself lang every game. Like Asi, he’s 41 years old but he’s playing like mas bata pa sa 20.â€
Bago makapasok sa semi-finals ay winalis ng Express ang serye nila ng bigating San Miguel Beermen sa quarterfinals.
Magtutuos mamaya ang Air 21 at San Mig Coffee ganap na alas-8 ng gabi upang malaman kung sino ang makikipagtuos sa Tropang Texters.
“Kapag game on the line, mas lumalabas yung natural na laro namin,†sabi ni Cardona.