MANILA, Philippines - Handang patunayan ni Mexican challenger Moises Fuentes na tunay na siya ang nanalo sa unang pagkikita nila ni Donnie Nietes.
Sa Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ay magkukrus uli ang landas nina Fuentes at ni Nietes na idedepensa uli ang hawak na WBO light flyweight title sa ikaapat na pagkakaton.
“I trust myself,†ani ng 24-anyos na si Fuentes nang bumisita sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon.
“It will be a clear fight. I will do what I know and I will make every punch hurt,†pahayag nito gamit ang interpreter.
Noong Marso 3, 2013 nagkita ang dalawang boÂxers sa Cebu at maÂsuÂwerteng naitakas ni Nietes ang majority draw para mapanatiling hawak ang titulo.
Nakabawi na si Nietes sa nangyari matapos ang third round knockout panalo kay Sammy Gutierrez ng Mexico noong Nov. 30.
Inihayag ni Fuentes ang paniniwalang siya ang tunay na nanalo sa unang pagkikita pero tanggap niya ang tabla dahil kailangan protektahan si Nietes na kampeon ng bansa.
Ang pa-boksing na ito ay itinalaga bilang Pinoy Pride 25 at ang iba pang laban na mapapanood ay ang bakbakan nina Milan Melindo at Mexican Martin Tecuapetla at ang nagbaÂbalik na si Rey “Boom Boom†Bautista at Sergio Villanueva.