SANTA CRUZ, Laguna, Philippines --Dalawang bagong record ang naiposte sa swimming event, habang ipinagpatuloy ni Bryan Jay Pacheco ang pagdomina sa throÂwing events sa athletics sa 2014 Palarong Pambansa kahapon dito sa Laguna Sports Complex.
Binura nina Imee Joyce Saavedra at Seth Isaak Martin ng National Capital Region ang mga PalaÂrong Pambansa marks sa elementary girls’ 200m freestyle at boys’ 100m backstroke, ayon sa pagkakasunod, para kunin ang gintong medalya.
Nagtala si Saavedra ng bagong record na 2:16.72 para sirain ang 2:18.86 ni Catherine Bondad na inilista noong 2010, habang nagrehistro si Martin ng 1:07.21 para burahin ang 1:07.56 ni Evan Gravador na inilista noong 1998.
Ang iba pang nanalo ng ginto sa kanilang mga events ay sina Emilio Jose Viovicente ng NCR sa elementary boys’ 200m freestyle (2:12.96), Maurice Sacho Illustre ng NCR sa secondary boys’ 400m freestyle (4:19.47), Christine Jhoy Mendoza ng NCR sa secondary girls’ 400m freestyle (4:47.54) at Bhay Maitland Newberry ng CALABARZON sa elementary girls’ 100m backstroke (1:12.89).
Sa athletics, nagposte ng bagong Palarong Pambansa record si Bryan Jay Pacheco ng Central Luzon.
Bumato ang 17-anyos na si Pacheco ng bagong record na 62.47m para ibulsa ang ginto sa seconÂdary boy’s javelin throw at burahin ang luma niyang 57.81m sa 700-kgs. na kanyang inilista noong nakaraang taon.