^

PSN Palaro

Express humirit ng Game 5

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mula umpisa hanggang sa katapusan ay hindi sumuko ang Express.

Ang resulta nito ay ang 94-91 panalo ng Air21 laban sa San Mig Coffee sa Game Four para itulak ang ‘do-or-die’ game sa kanilang semifinals series para sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Kumayod si import Wesley Witherspoon ng 32 points, ang 21 dito ay kanyang ginawa sa first half na tinampukan ng lima niyang 3-point shots, para itabla ang Express sa 2-2 ang kanilang best-of-five semis showdown ng Mixers.

Ang mananalo sa Game Five bukas ang siyang sasagupa sa Talk ‘N Text para sa best-of-five championship series na magsisimula sa Biyernes.

Kinuha ng Air21 ang 26-14 bentahe first period at 48-39 kalamangan sa halftime bago ibaon ang San Mig Coffee sa 85-69 sa dulo ng fourth quarter.

Samantala, ibabalik ng Mixers si Marqus Blakely bilang import para sa Governor’s Cup.

 

BIYERNES

GAME FIVE

GAME FOUR

KINUHA

KUMAYOD

MARQUS BLAKELY

N TEXT

SAN MIG COFFEE

SMART ARANETA COLISEUM

WESLEY WITHERSPOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with