SANTA. CRUZ, Laguna , Philippines --Isang dating basketball player ang sumira ng record sa secondary boys’ shot put, habang dalawang gintong medalya ang isinulong ng isang Cebuano sa elementary boys’ chess.
Bumato si Bryan Jay Pacheco ng Aurora ProÂvince ng bagong markang 15.32 metro sa seconÂdary boys’ shot put para burahin ang 2012 mark na 13.90m ni Richa Jey Cabanyug ng Region VI kahapon sa 2014 Palarong Pambansa rito sa Laguna Sports Complex.
“Siguro medyo magaan lang yung bola kaya naibato ko ng malayo,†sabi ng six-footer na si Pacheco, dating basketball player na lumipat sa athletics kung saan naniniwala siyang mapapabilang sa national team, sa paglilista niya ng bagong marka at pagsikwat sa gintong medalya.
Tinalo ni Pacheco para sa gold sina Ronmols Andaya (14.46m) ng Zamboanga Peninsula at Wendell Llames (14.07m) ng CALABARZON na paÂwang suÂmira sa marka ni Cabanyug.
Nauna nang binasag ni Pacheco, ang ama ay isang tricycle driver at ang ina ay isang grocery helper, ang 2012 mark na 51.51m ni Danilo Abarra ng Ilocos Region sa javelin throw para sa kanyang bagong 57.81m sa Palarong Pambansa noong 2013 sa Dumaguete City.
Sa chess, inangkin ni Chris Adritz Pondoyo ng Central Visayas ang dalawang ginto sa elementary boys’ indiviÂdual at team blitz events kung saan niya naÂkatuwang si Jeremy TaÂnudra.
Si Pondoyo ng Cebu ang unang atletang nakaÂkuha ng dalawang gold medal ngayong 2014 PaÂlarong PamÂbansa.
Samantala, kabuuang 16 gold medals ang pag-aÂagawan sa pagsisimula ng swimming event ngayon.
Ang mga ito ay sa secondary boys’ at girls’ 400m freestyle, 100m backstroke, 200m butterfly at 4x50m medley at sa elementary boys’at girls’ 200m freestyle, 100m backstroke, 50m butterfly, 200m butterfly at sa 4x50m medley.