STA. CRUZ, Laguna, Philippines — Nakatakdang simulan bukas ang inaabangang 2014 Palarong Pambansa sa Laguna Sports Complex dito.
Humigit-kumulang sa 11,000 student-athletes, coaches at technical officials ang magpapartisipa sa nasabing taunang sports event.
Sasabak ang mga student-athletes mula sa 17 rehiÂyon sa 27 sports events na tinatampukan ng athletics at swimming.
Sa 27 sports, apat dito ay tatayong demonstration sports.
Ang mga ito ay ang billiards, futsal, wushu at wrestling.
Dalawang special games naman ang itatampok din sa event. Ito ay ang bocce at goal ball.
Isang makulay na opening ceremony ang ipinangako ni Laguna Governor Jorge E.R. Ejercito Estregan.
Itatampok dito sina Filipino boxing icon Manny Pacquiao at Manila Mayor Joseph Estrada na lalahok sa torch relay para sa pagbubukas ng ika-57 edisyon ng PaÂlarong Pambansa.
Makakasama nina Pacquiao at Estrada, tatayong mga guests of honor, si Technical Education and Skills DeÂvelopmnent Administration (Tesda) chairman Joel VilÂlanueva.
Isang ‘adopted son’ ng Laguna na naninirahan sa BiÂñan, si Pacquiao ang magiging anchor sa torch relay kasama sina Olympic figure skater Michael Martinez, actor Enchong Dee, cager James Yap at Jericho Estregan -- ang anak ni Gov. Ejercito, na namumuno sa track and field team ng De La Salle University.
Sina television personalities Dyan Castillejo at Ginger Conejeros ay makakatuwang nina Jeric at Jeron Teng bilang hosts sa opening ceremonies sa Laguna Sports Complex Track Oval.
“We’re promising nothing but a good show,†wika ni Ejercito.
Ito ang unang pagkakataon na pamamahalaan ng Laguna ang Palarong Pambansa na idinadaos sa iba’t ibang probinsya bawat taon.
Kaya naman sila naghanda ng 16 playing venues, kasama rito ang isang 1,500-seater grandstand, rubbeÂrized track oval, football field, softball at baseball diamonds, archery at rifle range, air-conditioned basketball gym at isang Olympic-size swimming pool na may 2,500 seating capacity.
Higit sa 400 policemen at 800 medical personnel ang ikakalat sa simula hanggang sa pagtatapos ng event para tiyakin ang kaligtasan ng mga partisipante, ayon kay Gov. Ejercito.