Win No. 7 asam ng PNP laban sa AFP sa UNTV Cup

MANILA, Philippines - Itataya ng Philippine Na­tional Police (PNP) Res­­ponders ang kanilang ma­linis na kartada laban sa AFP Ca­valiers sa pagpapa­tuloy nga­yon ng UNTV Cup Sea­son 2 sa Ynares Sports Are­na sa Pasig City.

Hanap ng PNP ang ika-pitong sunod na panalo kontra sa Cavaliers na siyang huling laro sa nasabing triple-header game.

Tiyak na dadaan ang koponan sa butas ng kara­yom dahil pursigido ang Cavaliers na putulin ang kanilang arangkada at pa­lakasin naman ang kanilang paghawak sa ikalawang puwesto.

May 4-1 karta ang Ca­valiers at kasalo ang nagdedepensang kampeong Judiciary Magis.

Nakatakdang harapin ng Judiciary ang Senate De­fenders sa ikalawang la­ro.

Ang unang laro ay sa ha­nay ng mga nangu­ngu­lelat na koponan na Local Go­vernment Units (LGU) Vanguards at House of Representatives sa ganap na alas-2:30 ng hapon.

May 2-4 record ang LGU kumpara sa 1-3 ng HoR.

Ang ligang ito ay inor­ga­nisa ni Kuya Daniel Razon.

Ang magkakampeon sa nasabing torneo ay ma­bibigyan ng pagkakataon na magbigay ng P1 milyon sa paboritong charitable institution nito.

 

Show comments