MANILA, Philippines - Pangungunahan ni 2013 SEA Games bronze meÂdalist Riezel Buenaventura ang four-man national athletics team na sasali sa Thailand Open Track and Field Championships na magsisimula bukas sa Bangkok,Thailand.
Makakasama ni BueÂnaÂventura sina javelin throÂwer Evalyn Palabrica, high jumper Manuel Lasagne Jr. at long jumper Julian Fuentes para bigyan ng kaÂrangalan ang Pilipinas sa apat na araw na kompeÂtisyon.
Maliban kay Buenaventura, ang tatlong iba pang kaÂsama ay mga baguhan at gagamitin nila ang kompetisyon para sa maÂhaÂlagang karanasan na maÂaari nilang magamit sa tangkang pagsali sa 2015 SEA Games sa Singapore.
Hindi nakasama ang mga beteranong atleta ng PATAFA dahil naghahanda ang mga ito sa Philippine NaÂtional Games mula MaÂyo 16 hanggang 25 sa Metro Manila.
Ang paglahok ng pamÂbansang koponan ay suportado ng Cebu PaÂcific na siyang sumagot sa gastusin sa paglipad paÂtungong Bangkok at pagbalik ng Manila.
Naisaayos ang suporta ng Cebu Pacific dahil na rin kay PATAFA vice-chairman at dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman Philip Ella Juico.