San Mig Coffee lumapit sa finals

Nilusutan ni James Yap ng San Mig Coffee ang depensa nina Asi Taulava at Michael Burtscher ng Air21 sa Game 3 kagabi. (Kuha ni Jun Mendoza)

Laro Bukas

(Smart Araneta Coliseum)

8 p.m. San Mig Coffee vs Air21 (Game 4)

MANILA, Philippines - Isang malaking bagay pa­ra sa San Mig Coffee ang hindi paglalaro ni Air21 forward Sean Anthony dahil sa iniindang Achilles heal injury.

Kaya naman hirap na hi­rap si import Wesley Wi­therspoon na dalhin sa kan­yang mga balikat ang Ex­press.

“Without Anthony there it puts a lot of pressure on Witherspoon to really carry the team,” sabi ni Mixers’ head coach Tim Cone.

Nakahugot ng 18 points kay PJ Simon at 17 mar­kers kay Mark Barroca, ti­nalo ng San Mig Coffee ang Air21, 84-73, sa Game Three para makalapit  sa ika­lawang finals berth sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Ara­ne­ta Coliseum.

Nagdagdag si import James Mays ng 15 points para sa 2-1 bentahe ng Mixers sa kanilang best-of-five series ng Express.

Maaaring itiklop ng San Mig Coffee ang kanilang se­mis wars ng Air21 sa Game Four bukas sa Big Dome para makatapat ang Talk ‘N Text  sa best-of-five championship series.

Winalis ng Tropang Tex­ters ang Rain or Shine Elas­to Painters, 3-0, sa ka­nilang semis duel.

“It was a struggle. Coach Franz (Pumaren) did a good job getting us con­fused. They worked their way through problems but they weren’t able do that to­night,” sabi ni Cone.

Kinuha ng Mixers ang isang 13-point lead, 58-45, sa 9:41 minuto ng third quarter bago nakadikit ang Express sa 59-61 agwat sa huling 51.6 segundo.

Sa nasabing yugto ay umiskor ang 6-foot-9 at 40-anyos na si Asi Taulava ng 11 points para sa Air21. 

Pumukol si Mark Barroca ng isang three-point shot para muling ilayo ang San Mig Coffee sa 64-59 patungo sa paglilista ng 78-65 bentahe sa huling 4:41 minuto ng final canto.

San Mig Coffee 84 - Si­mon 18, Barroca 17, Mays 15, Devance 9, Pingris 7, Melton 6, Yap 6, Reavis 4, Sangalang 2, De Ocampo 0, Gaco 0, Mal­lari 0.

Air21 73 - Taulava 21, Witherspoon 19, Ramos 10, Yeo 6, Burtscher 5, Cardona 4, Borboran 3, Poligrates 3, Villanueva 2, Jaime 0, Menor 0, Atkins 0.

Quarterscores: 24-15; 49-40; 64-59; 84-73.

 

Show comments