MANILA, Philippines - Simula ngayon ay hindi na lalaban si John Riel CasiÂmero sa light flyweight division.
Ito ay matapos siyang tanggalan ng International BoÂxing Federation (IBF) light fllyweight dahil sa kabiguang makapasa sa weight limit na 108 pounds.
Sa kanillang official weigh-in ni challenger Mauricio Fuentes ng Colombia kahapon sa SM Cebu Events CenÂter ay tumimbang si Casimero ng 113.25 pounds.
Sa press conference matapos ang weigh-in ay inihaÂyag ni Games and Amusements Board Commissioner Fritz Gaston, ang namamahala para sa laban sa IBF, at ng mga GAB officials na hindi na pinilit ni Casimero na magbawas ng kanyang timbang.
Inihayag nina trainer Pingping Tepora at promoter Sammy Gello-ani na magkakaroon lamang ng epekto sa kalusugan ni Casimero kung pipilitin nitong magbawas ng timbang para maidepensa ang kanyang titulo.
Nakatakdang labanan ng 24-anyos na si Casimero si Fuentes ngayong gabi sa Waterfront Hotel and Cassino sa Cebu City.
Ang IBF light flyweight crown ay idedeklarang baÂkante sakaling manaig si Casimero, nagdadala ng 19-2-0 win-loss-draw ring record kasama ang 9 knockouts, kontra kay Fuentes (16-2-0, 10 KOs).
Makukuha ni Fuentes ang nasabing korona kung taÂtalunin niya si Casimero.
Balak ni Gello-ani na isabak si Casimero sa flyweight division at puwedeng maikunsidera sa isang title fight maÂtapos ang dalawang laban.
Nauna nang lumaban si Casimero sa flyweight caÂtegory ngunit natalo siya kay dating IBF titlist Moruti Mthalane ng South Africa noong 2011.
Bumalik siya sa light flyweight division noong 2012 kung saan niya iniuwi ang bakanteng IBF light flyweight title laban kay Luis Lazarte sa kontrobersyal na rambulan sa Argentina.
Ang laban sana kay Fuentes ang magiging ikaapat na sunod na pagdedepensa ni Casimero sa kanyang IBF title at pangalawa sa bansa.
Pinayukod ni Casimero si Felipe Salguero ng Mexico via eleventh-round TKO sa Makati City noong Oktubre ng nakaraang taon. (Russell Cadayona)