Silver kumpiyansang mapupuwersa si Sterling na ibenta ang L.A. Clippers
NEW YORK -- Tila suportado rin ng mga NBA owÂners ang kagustuhan ni Commissioner Adam Silver na wakasan ang pamamahala ni Donald Sterling sa Los Angeles Clippers.
Nagdaos ang advisoÂry/finance committee ng kaÂnilang unang pulong kaugnay sa kaso ni Sterling dalawang araw matapos sabihin ni Silver na hihikayatin niya ang mga team owners na piÂlitin si Sterling na ibenta ang Clippers.
Ang 10-member comÂmitÂtee ay nasagawa ng isang conference call para talakayin ang ‘’process for termination of Donald T. SterÂling’s ownership of the Los Angeles Clippers,’’ sabi ni NBA executive vice president Mike Bass sa isang statement.
‘’The committee unanimously agreed to move forÂward as expeditiously as possible and will reconvene next week,†dagdag pa nito.
Pinatawan ni Silver si Sterling ng lifetime ban bukod pa sa multang $2.5 milÂyon dahil sa racist comments ng nasabing team owÂner.
Ang ‘forced sale’ ay mangangailangan ng pag-apruba ng three-fourths ng 30 team owners.
Sinabi ni Silver na kumpiyansa siyang makakakuha siya ng boto.
Si Minnesota owner Glen Taylor ang pinuno ng committee na kinabibilaÂngan nina Micky Arison ng MiaÂmi, Jeanie Buss ng LaÂkers, Clay Bennett ng OklaÂhoÂma City, James Dolan ng New York, Wyc Grousbeck ng Boston, Peter Holt ng San Antonio, Robert Sarver ng Phoenix, Herb Simon ng Indiana at Larry Tanenbaum ng Toronto.
Ilang malalaking pangalan na ang nagparamdam ng interes na bilhin ang Clippers na hawak ni Sterling muÂla pa noong 1981.
- Latest