MEMPHIS -- Nagposte si Kevin Durant ng 36 points para tulungan ang OklahoÂma City Thunder sa 104-84 paggiba sa Grizzlies at itabla sa 3-3 ang kaÂnilang first-round playoff series.
“We needed to win this game,’’ sabi ni Durant. ‘’That’s more motivation than anything, so our team responded. We’ve got to do an even better job in Game 7.’’
Nagdagdag si Russell Westbrook ng 25 points paÂra sa Thunder, hindi pa naÂsisibak sa first round ng playoffs sapul noong 2010.
Dinomina ng Thunder ang laro kung saan kaagad umiskor si Durant ng 14 points sa first quarter at iniÂwanan ang Grizzlies ng 15 points sa halftime.
At mula doon ay hindi na nilingon pa ng OklahoÂma City ang Memphis sa second half.
Naglista si Reggie Jackson ng 16 points mula sa bench para sa Thunder na pamamahalaan ang Game 7 sa Sabado.
Sa Atlanta, umiskor si David West ng 24 marÂkers para pagbidahan ang InÂdiana Pacers sa 95-88 paÂnalo kontra sa Hawks at itabla sa 3-3 ang kanilang serye.
Pinangunahan ni West ang isang 16-4 atake sa fourth quarter patungo sa kanilang tagumpay.
Matapos kunin ng Hawks ang 84-79 abante sa huling 3 minuto sa laro ay kumamada si West ng apat na sunod na puntos at puÂmuwersa ng ilang turnovers para sa pagbangon ng Pacers.
Ang kanyang dalawang baskets sa huling minuto ang sumelyo sa panalo ng Indiana.
Nagtala si Paul George ng 24 points para sa PaÂcers.
Sa Oakland, California, naglista si Stephen Curry ng 24 points at 9 assists paÂra tulungan ang Golden State Warriors sa 100-99 pagÂÂtakas kontra sa Los AnÂgeles Clippers para ipilit ang Game 7.
Nagposte si Andre Iguodala ng 15 points, samantalang tumapos si Draymond Green na may 14 points at 14 rebounds para sa WarÂÂriors.