Spurs at Rockets nagposte rin ng panalo sa serye 3-2 lead sa Raptors

Si DeMar DeRozan ng Toronto para sa kanyang one-handed slam dunk.  

TORONTO -- Ang ma­tinding opensa ni Kyle Lowry ang nagbigay sa To­ronto Raptors ng mala­king kalamangan, habang ang kanyang matigas na depensa ang nagligtas sa ka­nila.

Umiskor si Lowry ng ca­­reer playoff-high na 36 points, kasama rito ang go-ahead 3-pointer matapos sayangin ng Toronto ang isang 26-point lead, pa­ra igiya ang Raptors sa 115-113 panalo kontra sa Brooklyn Nets at angki­nin ang 3-2 bentahe sa ka­nilang first-round series.

Ang depensa ni Lowry ang nagresulta sa turnover ni Andray Blatche sa kanyang pasa sana kay Deron Williams sa posesyon ng Nets.

Kumamada si DeMar De­Rozan ng 23 points, ha­bang may 16 si Jonas Va­lanciunas at may 15 si Greivis Vasquez para sa Raptors na maaaring ta­pusin ang kanilang serye ng Nets sa Game 6 sa Bi­yernes sa Brooklyn.

Ang mananalo sa serye ng Toronto at Brooklyn ang sasagupa sa two-time champions na Miami Heat, winalis ang kanilang laban ng Charlotte Bobcats, 4-0.

Tumipa si Joe Johnson ng 30 points kasunod ang 17 ni Mirza Teletovic sa panig ng Nets, umiskor ng 44 points sa kabuuan ng fourth quarter ngunit nabi­gong lusutan ang Raptors da­hil sa turnover.

Sa San Antonio, ba­gamat may sprained left an­kle injury at ilang oras la­mang nakatulog matapos isilang ang una niyang anak, dinala ni Tony Parker ang Spurs sa 109-103 panalo laban sa Dallas Ma­ve­ricks para sa kanilang 3-2 ka­lamangan sa serye.

Naglista si Parker ng 23 points at 5 assists para sa pagresbak ng San Antonio sa Dallas sa serye.

Kumamada si Manu Ginobili ng 19 points, habang nag-ambag si Tiago Splitter ng 17 points at 12 rebounds sa pagbawi ng Spurs ng home-court advantage kon­tra sa Mavericks.

Kumolekta si Tim Duncan ng 16 points at 12 rebounds at may 15 markers si Kawhi Leonard.

Tumapos naman si Dirk Nowitzki na may 26 points para sa Dallas.

Sa Houston, kumolekta si Dwight Howard ng 22 points at 14 rebounds, sa­man­talang kumayod si Je­remy Lin ng 21 points para pag­bidahan ang 108-98 pa­nalo ng Rockets kontra sa Portland Trail Blazers para makadikit sa 2-3.

Ang basket ni Damian Lil­lard ang naglapit sa Trail Blazers sa 2 points ba­go ang stepped back three-point shot ni James Harden para muling ilayo ang Rockets sa 103-98 sa huling tatlong minuto ng laro.

Nagtala si Harden ng 17 points at 7 assists.

Show comments