MANILA, Philippines - Nakita ng Task Force Asian Games ang buti na idudulot sa atletang may potensyal sa 2015 SEA Games sa Singapore kung maisasama sa delegasyon na maglalaro sa 17th Asian Games sa Incheon, Korea.
May 133 atleta na ang nasa national pool at kabilang rito ang mga gold meÂdalists ng 2013 Myanmar SEA Games at iba pang may potensyal na manalo sa 2015 SEAG.
Naunang nagdesisyon ang Task Force na pinamumunuan ni Chief Of Mission at Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia na gamitin bilang criteria sa mga sasali sa Asian Games na dapat ay nasa top five ang atleta o koponan kung ihahambing sa isang Asian countries sa Asian tournaments.
“If we are going to be strict with the criteria, mga 60 to 70 athletes lang ang maipapadala natin. But the SEA Games will be held eight months after the Asian Games and we will be spenÂding for their traiÂning kung hindi sila isasama rito. So gagamitin na ang Asian Games ng mga possible medalists for 2015 SEA Games as part of their preparation,†wika ni Garcia sa pulong pambalitaan kahapon.
Ang deadline para sa accreditation ng Asian Games Organizing Committee ay ngayong araw at ang bansa ay magsusumite ng 360 pangalan.
Pero mababawasan ito dahil kasama sa ipinapatala ang mga atletang naghahabol pa ng puwesto sa deÂlegasyon at mga extra officials. (ATan)