May alas na ang Express

MANILA, Philippines - Ipinagpatuloy ng Air21 ang panonorpresa matapos talunin ang San Mig Coffee, 103-100, sa Game One ng kanilang semifinals series para sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ito ang ikatlong sunod na arangkada ng Express matapos dalawahan ang San Miguel Beer sa quarterfinals para iposte ang 1-0 bentahe sa kanilang best-of-five semifinals wars ng Mixers.

Ang hindi tinawagang travelling violation kay Asi Taulava ang nagbigay sa Air21 ng 95-87 abante sa huling 1:21 minuto sa fourth quarter.

Mariin itong inireklamo ni San Mig Coffee coach Tim Cone na nagresulta sa kanyang pagkakatalsik sa laro at nagbaon sa kanila sa 88-98 sa natitirang 1:17 sa labanan.

Si assistant Jeffrey Ca­riaso, sinasabing hihiranging bagong coach ng Ginebra Gin Kings, ang sumalo sa naiwang trabaho ni Cone. (RCadayona)

Air 21 103 - Anthony 29, Witherspoon 25, Taulava 14, Yeo 11, Ramos 9, Poligrates 7, Cardona 4, Borboran 2, Villanueva 2, Burtscher 0, Camson 0.

San Mig Coffee 100 - Mays 27, Barroca 11, Simon 11, Devance 10, Sangalang 10, Melton 8, Pingris 7, Mallari 7, Reavis 6, Yap 3, De Ocampo 0.

Quarterscores: 23-24, 48-51, 66-74, 103-100.

Show comments